Thursday, November 06, 2008

Facts of schooling

Sa tagal ko nang nag aaral sa paaralan (syempre!), madami narin akong nakilalang tao! Iba ibang personalidad at ugali ang aking nakilala na. Marami rami narin pero kaya ko paring bilangin sa aking mga daliri ang bilang nang mga klasipikasyon nang mga taong aking na nakilala sa eskwelahan. At eto sila:

  • Mababait na kaibigan- Eto yung mga taong tutulungan ka sa sandaling mangailangan ka. Ultimo napkin kapag may period ka eh bibigyan ka. Eto ang mga taong nangungutang pero nagababayad din. Kapag naluluha, sila ang nauunang mag bigay nang handkerchief sayo para hindi puros uhog ang ilong mo pagkatapos. Ang generous magbigay nang regalo tuwing Birthday mo at kapag Pasko. Yung nangangako at tinutupad ang pangako nila. yung tumutulong sa assignment mo sa pamamagitan nang pagpapahiram sayo nang sarili nilang assignment at sa pagpapakopya nito sayo nang walang halong sama nang loob. Eto yung mga tumutulong sayo sa recitation kapag nagkataong tinawag ka nang prof mo nang wala sa oras.

  • Clef-To!- Eto yung palaging makati ang mga palad. Gustong-gusto ang gamit nang ibang tao, kulang na lang sambahin ito! Probably walang trabaho ang magulang. Madalas nasa Chapel para maghugas nang mga kasalanan nila. Eto yung masarap sabunutan!

  • Manyakis- Hipo nang hipo sa waistline. Intimidated kasi mas sexy ako sa kanila. Matatabang parang baboy ang mga ito. Akala nila sila ay si Atlas na parating hawak ang mundo.

  • Far sighted people- Kainggit-inggit! Kagila-gilalas! Madalas na nakaupo sa pinaka likod na row sa classroom. Ang kinokopyahan tuwing exams ay malalayong tao. Pag nangboboso, nasa labas nang CR.

  • Bitzes- Atribida. Usually pangit sila pati BOBO. Nakasusulasok ang presensya. Mabaho.

  • Comedians- Masarap kasama pero kadalasan ay barat. Madalas sila yung mga 'chubby' people. Sila yung mga sincere pati malalalim mag isip.

  • Users- Hindi sila 'friendly'. Mahilig silang magtapon nang basura after nilang gamitin ito. They usually form a group of their own. Mahilig magpa 'prettify' para magmukha silang appealing sa mga tao. Eto yung mga mayayaman pero hindi mahal nang mga magulang.

  • Smarties- Grade conscious SOBRA! Naka laminate lahat nang mga test papers nila at naka tabi sa fireproof na case sa bahay nila. Straight forward sa mga gusto nila. Can easily ditch their friends just to attain a very high grade. Leader palagi sa mga group works. Self confident. Puyat parati.

  • Inferiors- Halos kabaligtaran nang mga Smarties.

  • Smartferios- Sila yung mga Geniuses! Hindi lang halata kasi super low nang kanilang profile sa class.

  • Pilosopo- Magaling mamilosopo. Magandang kaibiganin kasi kapag may kaaway ka, patay kagad sila sa mga arguments niya. Kadalasan hindi sila nag a-abugado at hindi din sila aktibo sa Debate org.

  • Ogags- Gago for short. Eto yung mga patapon na ang buhay. Puros ka-iligalan ang mga ginagawa. Palaging nakangiti at tatawa tawa lang. Kadalasan mga lalaki sila.

  • Bahay Kubo- Wala masyadong social life ang mga taong ito. Mas close sila sa pamilya nila kontra sa mga kaibigan. Mahihiyain.

  • Broccoli- Eto yung mga green minded people. 24/7 silang color green. Ang hilig nila ay ang mga bastos na topics. Hindi sila boyfriend or girlfriend material. Hoarders sila pagdating sa mga joke books, comics, at magazines na color green. They participate actively in class. Color green ang highlighters nila.

  • Jologs- Sila yung mga pinuwersang maging out of place. Hate sila nang marami sa hindi malamang dahilan. Para sa maraming tao, salot sila pero ang totoo yung mga nagiisip pang salot sila ang totoong salot. Madaldal. Eto yung taong baon sa utang pero hindi naman umuutang sa kahit sino. They need to please everyone because everyone thinks that she needs to please them.

  • KIA- Know-it-all.

  • Vain- Maraming varicous veins sa mukha kaya conscious at parating nag sasalamin. Mga walang camera kaya pag nakakita nang camera eh pa-picture nang pa-picture. Magaling mang ubos nang battery nang camera.

  • Mangungain- Hindi kumakain sa bahay. Makapal ang mukha dahil mahilig umubos nang pagkain nang iba. Di tinatablan nang bala.

  • Bulkasil- Super ang insensitive! Utos nang utos! As in to the max! Tapos hindi marunong magpasalamat. Padala nang padala.

  • Addict mobile subscriber- Adik sa text. 24/7 naka unlimited! Mahilig mag group message. Pwede nang mensahero. Post office ang binabagsakan pagka gradute.

  • Is-nobish- Matagal mo nang kaklase, minsan ka lang kung pansinin. May pagka user.

  • Plirt- Kalandian lang ang maipag mamayabang na katangian.

  • Koreans- Hindi sila galing Korea pero puros Korean novelas ang bukang bibig.

Yan pa ang mga natatandaan ko sa mga nakilala ko na. Marami pa sila pero eto lang muna ang ilalagay ko. Dadagdagan ko na lang ulit pag naalala ko na yung iba pa.

O? Sino kayo dyan? Aminin!!! Comment lang kayo!

No comments:

Post a Comment