Friday, January 02, 2009

What year is it?

Parang kailan lang nag umpisa ang taong 2008, ngayon ay tapos na siya. Ano nga ba ang mga naganap noong 2008? Most importantly, ano nga bang nangyari sa akin sa taong kakatapos lang? As if naman mahalaga ito sa inyo noh? Well, gusto ko lang i-share. Hehehe...

The year 2008 was the year of the rat pero since marami kaming pusa dito sa bahay eh hindi kami dinaga. Wais ata ito! The rat represents the dirtiest animal for some (sa akin hindi sila ganun kadumi at kadiri. I actually like them because they remind me of someone...hmm...ako?) at marahil dahil dito naging pinaka maruming taon ko na siguro ang 2008. Hehehe... Pakiramdam ko hindi ako naglinis buong taong 2008! Well, except naman sa katawan ko, nililinis ko rin naman siya paminsan minsan, siguro mga twice a year? Joke! This 2008 din pala nahilig ako sa keso o cheese. Parang marami rin akong na consume na milk this past year. Oha! These are merely coincidence pero pano nga kaya kung nakadepende sa kung anong chinese animal symbol (o kung ano pa man ang tawag dun sa zodiac o whatever na yan) nang year ang tadhana mo? As in literal! Pano kung ang nature nang animal nang taong darating ang maging nature din nang mga tao!? For example, like this year! Sabi nila year of the Ox daw ang 2009, so what if mag asal Ox din tayo ngayong 2009? Like what if kumain din tayo nang damo gaya nila? What if kung sa palayan din tayo magbabad? What if magbalat kalabaw din tayo? (shucks eh di kakapal din ang balat natin? teka, kalabaw is Ox di ba?) What if may piercing din tayo sa ilong? (may mga pictures nang Ox na may isang malaking round na earing/ring na nasa ilong nila di ba? napaka uncertain ko sa Ox!) What if nga kung ganun noh? So kapag nagkataon na mangyari yun, ano kayang magandang maging? Hmm.... Hehehe... Ako gusto ko palaging nasa year of the Dragon para madaling magluto, isang buga ko lang tustado na ang pagkain! Oh yeah! How convenient is that! Eh kayo, anung gusto niyo maging?

While I'm stuck in my weird fantasies of becoming a dragon myself, I would like to greet you all a Happy New Year! May this year bring blessings to all of us! Sana swertehin tayo sa lahat nang aspeto nang ating buhay! Oh I almost forgot, wala nga pala akog nilagay na pera noong New Year's eve, so ibig bang sabihin nun mawawalan ako nang pera buong taon? Oh no! Wala naman kasing bulsa yung damit ko noon! Oh no! But I did jump once though. Once is enough for me, ang laki ko na kasi eh. And sana naman yung itinalon kong iyon eh magpalaki sakin vertically not horizontally!

***Pahabol pa! Ang singkamas ba ay prutas o gulay? Kasama kasi siya sa mga prutas namin pero hindi namin alam kung ano ba talaga siya.

No comments:

Post a Comment